top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

12-anyos nabangga, patay | MISTER NAGBARIL SA BIBIG

Jeff Tumbado
Dec 20, 2018
1 min read

PINANINIWALAANG sobrang binagabag ng kon­sensiya ang isang lalaki ma­karaang magbaril sa sarili nang makabundol at maka­patay ng 12 years old na la­laki sa Dumaguete City.

Natagpuan na lamang na wala ng buhay sa kanyang kuwarto si Henry Centino, 45.

Una rito, nasalpok ng SUV na minamaneho ni Cen­tino ang motor na sinasakyan ng biktimang si Gilbert Big­no, kasama ang iba pang mga bata sa Valencia Road, Bgy. East Balabag, Negros Oriental nitong Lunes.

Namatay si Bigno nang araw ding iyon habang nire-revive sa Holy Child Hos­pital sa Dumaguete City.

Ligtas naman ang tatlong iba pang sugatan na mga kasama ni Bigno, kabilang ang tatlong menor-de-edad na kasaluku­yang naka-confine sa naturang ospital.

Binabaybay ng motor­siklo na minamaneho ng 39-anyos na si Cheryl Basiao kasama ang mga bata nang mabangga ito ni Centino.

Sa halip na hintuan, pi­naharurot pa umano ni Cen­tino ang kanyang SUV at iniwan ang mga biktima na nakahan­dusay sa kalsada. Sa follow-up investiga­tion, lumilitaw na labis na ikinalungkot ng driver ang pangyayari at nagkulong sa kuwarto hanggang sa matag­puan itong patay na.

Lumabas din sa imbesti­gasyon na isinubo ni Centino ang barrel ng kanyang .45 pistola saka ipinutok kung saan tumagos ang bala sa likod ng kanyang ulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page