Rider umiwas sa checkpoint, todas sa pulis
- Jeff Tumbado
- Dec 19, 2018
- 1 min read
UTAS ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos mabaril ng mga awtoridad nang magtangkang umiwas sa checkpoint sa Agoncillo sa Batangas.
Ayon sa Calabarzon Police Headquarters, naganap ang insidente alas-2:30 ng madaling- araw sa Bgy. Bilibinwang.
Hinarang ng pulisya ang lalaki na nakamotorsiklo para mainspeksiyon subalit, sa halip na tumigil ay nagdire-diretso ang drayber at tinakbuhan ang mga awtoridad.
Hinabol ng mga pulis ang lalaki subalit, hindi pa rin tumigil at nagsimulang mamaril kaya gumanti ang mga awtoridad.
Agad namatay ang rider nang puntiryahin ng pulisya.





Comments