top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para-paraan din sila ngayong kapaskuhan | Pamimigay ng aginaldo ng mga kandidato, oks lang?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 19, 2018
  • 1 min read

PASKO na naman, malamang nagkalat na ang mga kandidato na namimigay ng mga regalo ngayong kapaskuhan, hindi lang para sa mga mahihirap kundi para sa lahat ng mamamayan.

Kaya lang, nakasisiguro ba tayong ang pa­mimigay nilang ito ay walang kinalaman sa ating boto? Hmmm…

Sa paglilinaw ng Commission on Elections (Comelec), sinabi nilang maituturing ng premature campaigning ang pamimigay ng mga regalo ngayong Pasko ng mga kandidato, para sa 2019 National Elections, ito ay dahil sa susunod na taon pa magsisimula ang campaign period.

Gayunman, aminado ang Comelec na prob­lema ng poll body ang premature campaig­­ning dahil wala pa itong parusa sa kasalukuyan.

Kung ganu’n, bakit hindi pa amyendahan ang mga batas para rito nang sa gayun ay ma­tuldukan na ang maagang pangangam­panya na hindi magandang makasanayang gawin ng mga tatakbo sa halalan?

Samantala, marahil, para sa iba ay sim­pleng problema lang ito, pero sa araw ng hala­lan tiyak na ru’n natin mararamdaman kung ano ang masamang epekto nito para sa lahat, lalo na sa mga botanteng walang sapat na kaalaman hinggil dito.

Kaya ang panawagan natin sa mga bo­tante, huwag tayong magpapauto sa mga epalitiko na ‘yan, iboto natin kung sino ang alam na­ting may maitutulong sa bayan at hindi ‘yung mga namimigay at tumutulong lang kasi may ka­ilangan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page