Palasyo todo-tanggol kay Diokno, kunsinti pa more!

IDINEPENSA ng Malacañang si Budget Secretary Benjamin Diokno.
Kunsinte pa more!
◘◘◘
WALA raw makapagdidikta sa China.
Siyempre!
◘◘◘
TUMAAS na naman ang presyo ng shabu sa Metro Manila.
Naubos na ang suplay mula sa magnetic lifters.
◘◘◘
MARAMI ang nabaliw sa lava walk ni Catriona.
Hintayin ninyo ang earthquake walk ng susunod na Miss U ng Pilipinas!
◘◘◘
BUBUWAGIN na raw ang Road Board.
Diyan unang nagpraktis si Madame Janet!
◘◘◘
NAGPA-PANIC ang mga bata ngayong Pasko.
Kasi may ulat na may arthritis daw si Santa Claus!
◘◘◘
NAKOPO ng China ang kontrata sa CCTV na ikakabit sa Pilipinas.
Huh, hindi kaya ang control panel ay nakatago sa Spratlys Island?
◘◘◘
MALAKAS pa raw si Sen. ‘Manny’ Pacquiao sa edad 40.
Ang makapagkukumpirma lang nito ay si Jinky!





Comments