top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P-Digong hindi raw bully, pero pati Diyos tinawag na stupid, hmmm

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2018
2 min read

ANG GUSTO NI MISS UNIVERSE 2018 CATRIONA GRAY AT ANG GUSTO NIP-DUTERTE — Nag-post sa social media si Miss Universe 2018 Catriona Elisa Magnayon Gray na kahit Miss Universe 2018 na siya ay nais daw niyang maging forever Miss Philippines ng bansa.

Mabuti pa si Miss Universe 2018 Catriona Gray, ipinakikita niya ang pagmamahal niya sa bayan kumpara kay P-Duterte na naging pangulo ng Pilipinas, eh, gusto pang maging province ng China ang Philippines, boom!

◘◘◘

MAGING ANG DIYOS, BINULLY NA RIN NI P-DUTERTE—“Hindi bully ang presidente.” Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Simbang Gabi homily ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na, “huwag kang bully, huwag mong gagamitin ang iyong kapangyahirang mambastos, mangmaliit at mangyurak ng kapwa,” na bagamat, walang nabanggit na pangalan, malinaw na si P-Duterte ang tinutukoy ng Arsobispo.

Ganu’n, si P-Duterte hindi raw bully? Pambihira, hindi pala nabalitaan ni Panelo na maging ang Diyos ay nakatikim nang pambu-bully kay P-Duterte nang sabihan nitong "istupido ang Diyos" period!

◘◘◘

P-DUTERTE, PARANG GMA NA AYAW PAIMBESTIGAHAN ANG TAUHANG SABIT SA KORUPSIYON?—Ayon kay Panelo, pinagsabihan na raw ni P-Duterte si Budget Sec. Benjamin Diokno na huwag nang dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso kaugnay sa isiningit nitong "palusot" sa 2019 National Budget na P75 bilyong proyektong mapupunta sa mga kontratistang may konek sa Malacañang.

Ginagaya na rin ni P-Duterte ang style ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo noong pangulo pa si GMA na lahat ng tauhan nitong nasangkot sa katiwalian ay ayaw nitong maigisa sa Kongreso, buwisit!

◘◘◘

4 HEPE NG QCPD, 'NGANGA' SA PANRARAKET NI 'RYAN JUETENG' SA MGA MARALITANG TAGA-QC—Dapat kuwestiyunin ni QCPD Director Joselito Esquivel, Jr. ang mga tauhan niyang sina QCPD-Stn. 1 (Laloma) Commander Supt. Robert Sales, QCPD-Stn. 2 (Masambong) Commander Supt. Rodrigo Soriano, QCPD-Stn. 3 (Talipapa) Commander Supt. Alex Alberto at QCPD-Stn. 4 (Novaliches) Commander Supt. Rossel Cejas kung bakit dedma lang sila sa raket na jueteng ni "Ryan" sa kanilang mga nasasakupan.

Mantakin n’yo, lantaran na ang panraraket ni "Ryan" sa mga maralitang residente sa mga lugar na ito sa QC, eh, ang apat na hepe ni Esquivel, "nganga" lang, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page