Nararapat magbayad ng gastusin sa mga pataba para sa lupang sakahan
- BULGAR

- Dec 19, 2018
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung ang may-ari ba ng lupa ang nararapat na magbayad muna ng mga pataba kung sakaling ang iniuutos niyang paggamit nito ay higit pa sa nakasanayan sa aming lugar kung nasaan naroroon ang lupa? — Chi
Dear Chi,
Para sa inyong kaalaman, ang Section 10 ng Republic Act (R.A.) No. 2263 o mas kilala bilang “An Act Amending Certain Sections of Republic Act numbered one thousand one hundred ninety-nine, otherwise known as the Agricultural Tenancy Act of the Philippines” ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon:
“Section 10. Section thirty-one of the same Act is hereby amended to read as follows:
"Sec. 31. Cost of Fertilizer, Etc.; When to be advanced by the Landholder. Whenever the use of fertilizer, the application of insect, disease and rodent control measures or weeding beyond the customary practice in the locality is directed by the landholder, he shall advance their cost, which shall be deducted from the gross produce."
Base sa mga nabanggit, ang may-ari ng lupa ang siyang nararapat na magbayad muna ng gastusin sa mga pataba kung ang idinirekta niyang paggamit dito ay higit pa sa nakasanayan sa lokalidad kung nasaan naroroon ang lupang sakahan. Ang kanyang nagastos na halaga ay ibabawas na lamang sa kabuuang ani na makukuha mula rito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments