top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Karnaper dedbol sa parak

Maeng Santos
Dec 19, 2018
1 min read

DEDO ang umano’y notoryus na magnanakaw ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga tumutugis na pulis sa Valenzuela City, kahapon.

Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Benjamin Bryan Taroy, 34, ng Bgy. Ugong.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, positibong kinilala ang suspek ni Abner John Amurao, na isa sa tumutok sa kanya ng baril at sapilitang tumangay sa kanyang motor sa Capt. Cruz St., Bgy. Parada, alas-12:39 ng hatinggabi.

Alas- 2:45 ng madaling-araw, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na naispatan ang suspek sa Que Grande Street kaya agad ikinasa ng mga tauhan ng CARAN, Station Intelligence Branch at Special Operation Unit ang police operation.

Nang mapansin ng suspek ang mga pulis, nakipagbarilan ito hanggang sa tamaan siya sa katawan na naging dahilan upang isugod sa naturang pagamutan.

Narekober ng pulisya sa kuta ng suspek ang tinangay na motorsiklo kasama ang apat na magkakaibang brand ng motorsiklo, tatlong kinatay na motorsiklo at ilang magkakaibang plate numbers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page