Truck tumagilid, 3 sundalo, sibilyan nadale
TATLONG sundalo at isang sibilyan ang sugatan makaraang maaksidente ang kanilang sinasakyang military truck sa Ipil, Zamboanga Sibugay, kamakalawa ng hapon.
Isinugod sa ospital at ngayon ay nasa ligtas ng kondisyon sina Staff Sgt. Ralph Husain, driver ng military truck at mga sakay na sina Private First Class James Cabarles, Private First Class Lonie Magarao at Cristito Segovia.
Ayon sa pulisya, minamaneho ni Husain ang truck nang mag-overtake ang van sa bahagi ng Bgy. Makilas.
Dahil dito, agad nagpreno si Husain upang umiwas sa posibleng banggaan.
Gayunman, nagresulta ito sa pagtagilid ng trak at nadaganan pa ang isang motor na nakaparada sa tabi ng kalsada.
Nabatid na pabalik na ang trak sa Philippine Army headquarters nang mangyari ang aksidente.





Comments