top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Payo sa mga bagets, bumawi ng tulog habang bakasyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2018
2 min read

ALAM ng nakararami sa atin na ang kaku­langan o kawalan ng sapat na tulog ay may masamang epekto sa ating kalusugan. Anuman ang edad, para sa iba ay hindi nila masyadong pinahahalagahan o maliit na bagay lamang ito ngunit, nakaaapekto pa rin ito sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Kung akala ng mga kabataan ngayon ay absuwelto na sila sa kahihinatnan nito, iyon la­mang ang akala nila.

Habang nasa klase sila, napapansin ng mga guro na mayroong ilan sa kanila ang matamlay, walang ganang makinig at tamad kumilos dahil sa labis na pagkapuyat noong nagdaang gabi.

Ayon sa mga health expert, kapag ang mag-aaral ay hindi nakakukumpleto ng tulog nang 8 hanggang 10 oras kada araw, narito ang mga simple ngunit, malaking epekto na maaari nilang maranasan:

1. Kulang sa pagiging alerto at maayos na pag-iisip.

2. Apektado ang husay sa pagsagot sa mga tanong sa aralin at pagsusulit; mabagal ang reaksiyon sa mga bagay-bagay o pangyayari sa paligid.

Hindi agad sila makapagdesisyon o maka­pag-isip kung ano ang dapat unahin sa mga gawain.

3. Mataas ang panganib na makahawa ng sakit dulot ng mahinang immune system na nagreresulta sa pag-absent sa klase.

4. Panganib na masangkot sa aksidente.

5. Kung walang presence of mind, maaaring maaksidente sa pagtawid sa daan o pumalya sa pagluluto o anumang gawain sa kanilang Technology and Livelihood Education class.

6. Depresyon dahil nagbubunga ito ng paghina ng resistensiya at nagdudulot ng iba pang sakit na konektado sa sikolohikal na kalusugan.

7. Pagpurol ng memorya.

8. Mahalagang magkaroon ng hustong oras ng pagtulog upang maging matalas ang me­morya at mapanatili ang mabuting panganga­tawan.

Masasabing dahil ito sa modernong pamu­mu­hay at available resources sa panahon nga­yon tulad ng paggamit ng internet, gadgets, mga kinagigiliwang teleserye sa TV at pamamasyal sa malls.

Ibinahagi naman ng ilang mag-aaral ang tips o paraan upang hindi mapuyat:

  • Limitahan ang paggamit ng gadgets.

  • Maglaan ng regular na oras ng pagtulog.

  • Iwasan ang panonood ng telebisyon sa gabi.

  • Huwag dalasan ang pagpunta sa mall.

  • Mag-power nap ng 20 hanggang 30 mi­nuto.

Tulad ng pagkain ng masusustansiyang pag­kain, pinaaalala ng mga doktor na mahalaga rin ang pagtulog sa mga bata dahil nakatutu­long ito sa kanilang growth hormones at maipa­numbalik ang mga nasirang cell.

Sa ating mga kabataan, tandaan na ang tama at wastong oras ng pagtulog ay nakatutulong upang humaba ang buhay, lumusog ang kata­wan at magtagumpay sa buhay.

Ngayong bakasyon, sulitin ang oportuni­dad na makapagpahinga at matulog nang maaga upang maging mas malakas at masigla pagdating ng pasukan sa Enero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page