Pasahero sa mga pantalan, dagsa na
NAGSIMULA nang dumagsa ang mga pasahero na lumalabas sa Metro Manila at umuuwi sa kanilang mga lalawigan para roon ipagdiwang ang kapaskuhan.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos, nasa 40,016 ng pasahero ang nagsitungo sa mga daungan at umuwi sa kani-kanilang lugar.
May bumibiyahe umano sa mga lalawigan at mula sa mga lalawigan ay dumating naman dito sa pantalan ng Maynila.
Kabilang na sa mga daungan na dinagsa ang National Capital Region-Central Luzon- 2,044; Central Visayas- 8,922 ; Southwestern Mindanao- 2,406; Palawan - 1,286; Southern Tagalog- 1,708; Western Visayas - 5,918; South Eastern Mindanao - 6,189; Bicol - 1,208; Northern Mindanao - 6,443; Eastern Visayas - 2,038; at Southern Visayas - 1,854.
Hinikayat ng PCG ang mga pasahero na maagang pumunta sa pantalan para sa inspeksiyon ng kanilang mga bagahe.
Gayundin, iwasan na ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na kontrabando tulad ng baril, bala, gamit-pampasabog at iba pa para maiwasan ang abala sa kanilang biyahe.





Comments