PA-RAFFLE NA KOTSE, MOTORSIKLO UMAPAW SA B-DAY TIPAR NI PACMAN
- BULGAR

- Dec 18, 2018
- 1 min read

HINDI magkamayaw ang mga kababayan ng Pambansang Kamao sa General Santos City sa Veranza activity center dahil sa nag-uumapaw ang big time raffle prizes para sa ika40 taong kaarawan ni Senador Manny Pacquiao kahapon.
Dito kasi sa nasabing venue idaraos ang birthday party ni Pacquiao kung saan halos 10,000 katao ang nabigyan ng tiket para sa naturang pa-raffle. Pero naroon sa KCC Convention Center at makakasama ni Pacman ang 3,000 VIPs (very important persons) kung saan dadalo rin ang Asia’s Got Talent Season 1 champion na El Gamma Penumbra, ang mga pamosong banda ng Gifford, Kuerdas, J Brothers, Siakol, Shamrock, Cueshe, Max Surban at Chocolate Factory.
Habang isinusulat ito kahapon ay napakahaba na ng pila ng mga nais makapasok sa activity center ng Veranza Mall kung saan makikita ang apat na kotse, 40 motorsiklo at 40 appliances na ipamimigay ng fighting Senator.
Kasunod nito ang mahigpit nang pagpapatupad ng seguridad ng Presidential Security Group lalo na sa mall goers na papasok ng convention center dahil darating din si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga mga importanteng bisita na personal na inimbitahan ni Pacman. Maaga pa lang kahapon ay kinantahan na si Pacman sa kanyang mansiyon ng mga opisyal at residente ng GenSan at Sarangani Province. (MC)





Comments