Misis ng cafgu, pinagbabaril ng NPA
PINAGBABARIL ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang misis ng tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa Bgy. Palpma, Gil, Talaingod, Davao del Norte.
Ayon kay Police Chief Insp. Jason Baria, kinilala ang biktima na si Gina Mantayona, asawa ni Mario Mantayona na isang aktibong Cafgu sa Talaingod.
Ani Baria, dalawang miyembro ng NPA ang nagtungo sa bahay ng mga Mantayona saka nagpaputok ng dalawang beses.
Natukoy na ng pulisya ang isa sa mga salarin na si Rommel Tausan, umano’y hitman mula sa ilalim ng Guerilla Front 55 ng NPA Southern Mindanao Regional Committee.
Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang 23-anyos na biktima na siyang ikinasawi nito.
Sinasabing itinaon ng mga suspek na duty ang Cafgu kaya matagumpay na naisagawa ang krimen sa asawa nito.





Comments