Jessy, ipinatatanggal sa ASAP… LUIS NAPIKON, HINAMON NANG FACE-TO-FACE ANG CALL CENTER AGENT
- BULGAR

- Dec 18, 2018
- 1 min read

AND speaking of Luis Manzano, hindi mo masisisi ang TV host kung pumatol na naman sa isang netizen (call center agent) dahil sa nakaka-offend nga namang komento laban sa BF ni Jessy Mendiola.
Tweet kasi ng isang male netizen na may pangalang Alexis Rivera Sarmiento, “Huwag na please i-focus ang mukha ni Luis Manzano kapag may prod si Jessy. Hindi nakakakilig. Nakakasama ng panonood — and bakit may prod ‘yang si Jessy? #ASAPNatinTo”
Sumagot si Luis at nag-tweet din sa kanyang Twitter account, “Hi guys! Any info on this guy including his working hours? :) Gusto ko lang subukan kung kaya niya sabihin sa akin ng harap-harapan mga bira niya :) He deleted his tweet at block pa ata ako nu’ng sinabi ko pupuntahan ko. Pa-send details pls?”
Ang ending, ayun, sumuko ang basher ni Luis at nag-private account na.





Comments