Habang naglilinis ng baril | HENERAL NABARIL ANG SARILI, TODAS
- Jersy Sanchez
- Dec 18, 2018
- 1 min read
PATAY ang isang heneral matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa Iran.
Naglilinis umano ng baril ang biktima nang mabaril nito ang sarili sa ulo.
Kinilala ang biktimang si Gen. Ghodratollah Mansouri.
Batay sa impormasyon, napag-alamang lumaban si Mansouri sa Iran-Iraq war noong 1980.
2014 nang maging regional commander ng ground forces sa Northeastern City ng Mashhad si Mansouri.





Comments