bebot binaril sa ulo

DEDBOL ang isang babae matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Inilarawan ang biktima na nasa 20-25 ang edad, may tattoo ng paruparo sa likod na natagpuan ni Dygie Ofqueria Morula, 37, alas-10:45 ng gabi sa madilim na bahagi ng alley sa Matambaka Street, Bgy. North Bay Boulevard South (NBBS).
Ayon kay Navotas Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdinand Balgoa, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Navotas Police Mobile Patrol Unit sa kahabaan ng Lapu-Lapu Avenue nang tawagin ni Morula ang kanilang atensiyon at ipinaalam ang natagpuang bangkay.
Hiniling na umano ng mga residente sa kanilang barangay official na maglagay ng CCTV camera at mga ilaw sa nasabing lugar subalit, hindi umano pinakinggan ang kanilang apela.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.





Comments