top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Agawan sa babae | 67 YRS. OLD PINATAY NG EDAD 71

Paul Lamsen
Dec 18, 2018
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang senior citizen makaraang pagbabarilin ng kanyang karibal sa isang bebot na senior citizen din sa Pangasinan.

Kinilala ang nasawi na si Cipriano Valimosa, 67, habang ang suspek na nakatakas ay si Frankie Salinas, 71, kapwa may asawa.

Alas-8:30 ng gabi, namimili umano ang biktima sa tindahan nang biglang sumulpot ang suspek at binaril ang biktima sa dibdib na sanhi ng kamatayan nito.

Napag-alaman sa mga kaanak ng biktima na matagal na umanong magkagalit ang dalawa dahil sa isang babae sa videoke bar na kanilang pinag-aagawan na i-table ngunit, palagi umanong nangunguna ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page