ABANGERS NA KUNG KANINO ANG KORONA SA ALL-PINOY PSL | Laro Ngayon: (Mall of Asia Arena) 4:15 p.m. –
- BULGAR

- Dec 18, 2018
- 2 min read

ABANGERS na sa pasabog ng Blaze Spikers ang lahat dahil korona ang pakay nilang iuwi laban sa mahigpit na karibal na F2 Logistics sa Game 2 ng Philippine Superliga All-Filipino Conference best-ofthree finals series ngayon sa Mall of Asia Arena.
Simula ang aksiyon ng 7 p.m. kung saan ang Blaze Spikers ay target ang isa pa uling makasaysayang pagwalis sa prestihiyosong women’s club tourney.
Aaksiyon din sa bakbakan ang Colegio San Agustin-Biñan at La Salle-Dasmarias na lalaban ng 4:15 p.m. sa Collegiate Grand Slam. Pero ang lahat ay nakatuon sa main event.
Matapos pumoste ng 10 straight wins sa preliminaries, tinigpas ng Blaze Spikers ang Sta. Lucia sa quarterfinals at ang Cignal sa semifinals at malakas ang espekulasyon na mawawalis ang conference.
Unang na-sweep ng Blaze Spikers ang All-Filipino Conference noong 2015 nang magsanib-puwersa sina superstars Dindin Manabat, Rachel Anne Daquis at Aby Maraño upang maangkin ang korona sa ‘most competitive volleyball league.’
Dating headcoach noon si George Pascua na ngayon ay nasa Sta. Lucia habang si current Petron coach Shaq Delos Santos ang kanyang chief deputy.
“While it’s inspiring to break our own record, I always tell my players that we should not forget our main goal which is to win back-to-back (All-Filipino) title ,” ayon kay Delos Reyes, na alerto pa rin sa bagsik ng F2 Logistics. “Knowing coach Ramil and his team, they will bounce back for sure. But on our part, we will double, triple or even quadruple our effort in Game 1 to win the title.”
Sa Grand Prix noong 2017, gahibla na lang ang korona na maabot ng Petron nang magwagi sa Game 1 at pumoste ng 9-0 lead sa opening moments ng Game 2 ng best-of-three series.
Pero binaligtad ni de Jesus ang lineup, pinalaro si veteran spiker Cha Cruz habang pinabalik si Kennedy Bryan sa opposite position.
Nagbunga iyon dahil ang Cargo Movers ay nagwagi sa Games 2 at 3.
“ That’s why we don’t want to be complacent ,” ayon kay Delos Santos, na ibabalandra ang spikers na sina Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Frances Molina habang sina blockers Remy Palma, Ging Balse at Mika Reyes ay nasa depensa.
“ It’s still a long way to go. We know F2 Logistics will not go down without putting up a fight.”
Aasahan naman ni De Jesus ang national team members na sina Aby Marano, Kim Fajardo, Majoy Baron, Dawn Macandili, Dy at Cruz. (MC)





Comments