3RD MATCH KAY GOLOVKIN OKEY KAY CANELO ALVAREZ
- Alvin Olivar
- Dec 18, 2018
- 1 min read

HINDI umano tatanggihan ni Canelo Alvarez na muling makasagupa sa ikatlong pagkakataon si Gennady Golovkin. Ayon sa Mexican boxing star, walang magiging problema sa kanya kung ang matchup na ito ay hihilingin ng kanilang boxing fans.
Ginawa ng 28-anyos na si Canelo ang pahayag na ito matapos niyang patumbahin si Rocky Fielding sa kanilang bakbakan sa New York noong Linggo para sa supermiddleweight championship. Unang nagwagi si Canelo noong Set. 15 kontra kay Golovkin sa bisa ng unanimous decision.





Comments