top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Unang Simbang Gabi, Digong sapol | ‘WAG KANG BULLY, ‘WAG KANG BASTOS! — TAGLE

Madel Moratillo
Dec 17, 2018
1 min read

HINDI dapat gamitin ang ka­pangya­rihan sa pam­bu-bully ng ibang tao.

Ito ang paalala ni Ma­nila Archbishop Luis An­tonio Cardinal Tagle sa isang misa na idinaos sa Manila Ca­thedral sa In­tramuros, Ma­nila kaha­pon, ang unang araw ng tradisyunal na Simbang Gabi.

“Do not bully anyone. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan para mambastos. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan para piitin, coerce ang iba,” ani Tagle

“Panahon pa po ni Hesus itong binabasa ko, [pero] parang kasusulat lang kahapon. Pareho pa rin ang sikreto sa kaligayahan: huwag kang mangmamaliit,” ayon pa sa Cardinal.

Ipinaalala rin ng Cardinal sa mga mananampalataya ang payo ni Saint Paul kung paano ma­kakamit ang tunay na kaliga­ya­han.

Binigyang-diin pa ni Tagle na ang mga taong gu­magamit ng kapang­yarihan upang maliitin ang kanyang kapwa ay ang taong pinaka­takot at pinaka-insecure sa lahat.

“Hindi porke may­roon kang posisyon, ikaw ay may karapatan na para mang­yurak sa kap­wa. Sa katuna­yan, ang bully, ang guma­gamit ng kapangyarihan para ma­liitin ang kapwa, iyan ang pinakatakot at in­se­cure na tao,” bahagi ng homiliya ni Tagle.

Hinikayat din ni Tagle ang mga mamamayan na magbahagi sa kapwa ng ka­nilang biyayang naka­mit at manatiling tapat upang ma­ging tunay na maligaya ngayong pana­hon ng kapaskuhan.

Bagama’t, wala namang panga­lang binanggit si Tagle sa kan­yang homiliya, tila si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang pinatatamaan nito.

Samantala, tulad na­man ng inaasahan, du­mag­sa ang mga Katoliko sa mga Sim­bahan, parti­kular na sa Ma­nila Cathe­dral.

Personal ding nagtu­ngo sa Manila Cathedral si Na­tional Capital Re­gio­nal Po­lice Of­fice (NCRPO) Chief P/Direc­tor Guiller­mo Lo­renzo Elea­zar, upang tiya­king maayos ang ipi­natutu­pad na seguri­dad ng Manila Police Dis­trict (MPD).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page