TIONGCO, SASABAK ULIT SA WORLD MUAY THAI C’SHIP


LALAHOK ang Pilipinas sa pamamagitan ng Kickboxing Association of the Phil ( KAP ) kilala ring International Muay Thai Fed - Phil (IMTF-PHIL) sa 16th WMF-World Muay Thai Championships The Bazaar Bangkok, Thailand sa Marso 12-22 2019.
Tatayong coach at trainer ang dating Muay Thai at kickboxing champion na si Allan Visperas ng mga pambatong Muay Thai fighter na sina Arjay Visperas sa 48kgs, Jervie Tiongco sa 51kgs, Jervin Tuazon sa 67kgs at nag-iisang babaeng si Krisna Limbaga, 51kgs na kakatawanin ang Aurora Province sa prestihiyosong torneo.
Ang delegasyon ay pangungunahan ni Atty. Christian Noveras kasama si Rolando Catoy, WMF National Representative, Wilson Oropilla bilang team manager, assistant manager si Edgardo Geneta at Mr. Gabriel Nadiahan bilang media o magko-cover ng laro.
Sinungkit ni Jervie Tiongco ang gold medal sa 51kgs noong nakaraang 15th WMF World Muay Thai Championships nang talunin niya ang pambato ng Russia sa pamamagitan ng knockout matapos tamaan ng roundhouse kick sa panga ang Ruso sa 3rd ng kanilang final round.
“Sisikapin kong manalo ulit ng gold sa darating na World Championships” ani Tiongco. (MC)





Comments