top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pulis todas sa riding-in-tandem

Jeff Tumbado
Dec 17, 2018
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang pulis habang nagte-text sa Quezon City kaha­pon ng hapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si PO2 Arthur Cordero.

Ayon kay Quezon City Police District Director P/Chief Supt. Joselito Esqui­vel, Jr., si PO2 Cordero ay dating pulis na huling na­katalaga sa District Anti-Illegal Drugs ng Manila Police District, ngunit, si­nasabing idineklarang AWOL o Absent Without Official Leave noong 2015.

Sa inisyal na report ng Quezon City Police Dis­trict-Criminal Investiga­tion and Detection Unit, pasado ala-1:00 ng hapon nang maganap ang pana­nambang sa bahagi ng Calavite St., Bgy. La Loma.

Naglalakad lamang umano ang biktima sa lu­gar at abalang nagte-text nang bigla na lang itong targetin ng dalawang sus­pek na lulan ng motor­siklo.

Isa sa mga tiniting­nang motibo sa pananam­bang ay kung sangkot ito sa illegal drugs o sa kan­yang trabaho.

Matatandaang, nito lamang nakaraang araw nang pagbabarilin din ng riding-in-tandem hang­gang sa mapatay si P/Insp. Romeo Nicolas Tandas, 49, nakatalaga sa District Tactical Operation Unit ng Quezon City Police District.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page