PEREZ, TOP PICK NG DYIP SA 2018 PBA ROOKIE DRAFT
- MC / Clyde Mariano
- Dec 17, 2018
- 2 min read

NAKUHA ng Columbian Dyip ang posibleng magiging pambato ng kanilang prangkisa nang mapunta sa kanila ang serbisyo ni athletic swingman CJ Perez na siyang top pick sa 2018 PBA Rookie Draft.
Si Perez, ang Most Valuable Player ng NCAA noong Season 93 ay may averaged na 18.7 points, 8.4 rebounds, 4.0 assists, at 3.3 steals sa kanyang final season para sa Lyceum of the Philippine University.
Mapalad ang Columbian sa pagiging versatile ni Perez, agresibong manlalaro na kayang lumaro sa guard positions.
Samantala, pinili ng Blackwater Elite si Bobby Ray Parks Jr. bilang 2nd pick ng draft. Wala si Parks sa seremonya kahapon sa Robinson’s Place Manila dahil naglalaro ito sa Alab Pilipinas kontra CLS Knights sa Indonesia.
Naglaro rin ang two-time UAAP Most Valuable Player para sa National University (NU) sa NBA Summer League at sa NBA D-League, bago nagbalik sa bansa noong 2017 para sa Alab. Kinuha naman ng NorthPort Batang Pier ang San Beda University standout na si Robert Bolick bilang third pick.
Si Bolick, na puwedeng maglaro sa guard position ay inaasahang magiging solidong backcourt partner para kay Stanley Pringle at inaasahang agad lalabas ang lakas ng laro nito. Nagulat naman ang lahat nang inanunsiyo para sa NLEX Road Warriors ni coach Yeng Guiao na no. 4 pick nila si Paul Desiderio ng University of the Philippines. “Sa amin na ‘to,” ayon kay Guiao, hinggil sa bagong mantra ni Desiderio sa Fighting Maroons. Kinuha ng NLEX si Desiderio bilang kapalit sa Phoenix sina Alex Mallari at Dave Marcelo. Kinuha ng Meralco Bolts sina Trevis Jackson, ang point guard ng Marinerong Pilipino sa PBA D-League bilang 5th pick. Pang-6th pick ng Rain or Shine si dating San Beda University standout Javee Mocon. Second pick ng NLEX si dating De La Salle University big man Abu Tratter sa seventh overall pick. Ang E-Painters ay si dating NU star J-Jay Alejandro sa eighth overall pick, habang ang Alaska Aces ay kinuha si dating Lyceum captain MJ Ayaay bilang 9th pick. Kinuha ng Magnolia Hotshots si San Sebastian College’s Michael Calisaan.





Comments