top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paalala para sa safe at hassle-free na Pasko

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2018
  • 2 min read

SADYANG malapit na ang Pasko. Damang-dama na ito sa simoy ng hangin, nagkikinangang mga palamuti sa mga tahanan at sa lahat ng ating madaanan, maging ang mabigat na trapik na dulot ng holiday shopping ay hindi na natin ma-ignore. Christmas is definitely here!

Kahapon, sinimulan na ang Simbang Gabi na naging tradisyon na ng marami sa atin. Marahil, kayo ay nakare-relate dahil isa ito sa bonding time ng mag-anak.

Ngunit, para sa isang nanay na tulad natin, siyempre, hindi lamang ang paggayak sa pamil­yang pupunta sa Simba­han sa madaling-araw ang dapat paghandaan. Dapat ihanda rin natin maging ang tahanang iiwan. Sa panahon ngayon, ‘ika nga ng marami, mas mabuti na ang sigurado.

Siyempre, kahit nais nating maging positibo ang tingin sa ating kapwa hindi natin maikakailang naririyan ang mga masa­samang-loob na mana­na­mantala kaya mas mainam na rin ang ma­ging handa, just in case.

Bago tayo lumabas ng ating tahanan, i-double check muna ang mga kagamitang maa­aring attractive sa mga magnanakaw. Mas mabuting hindi ito nakikita mula sa labas ng ating tahanan.

Maaaring pagmuk­haing may tao sa loob sa pamamagitan ng naka­bukas na radyo na “de-baterya” at mga ilaw sa ilang parte ng tahanan. Gayundin, dahil advanced na ang tekno­lohiya ngayon, mayro­ong mga abot-kayang CCTV na maaaring i-install sa ating tahanan para doble ang seguri­dad. Maaari ninyo itong i-consider kung kayo rin ay may WiFi sa inyong bahay.

Ngunit, hindi lamang tao ang nagnanakaw. Sabi nga nila, mas ma­buti pa ang manakawan kaysa masunugan. Da­hil sa sunog, tila nina­kaw na ang lahat sa ating pamilya—maging ang tahanang ating tinitirhan kaya bago ninyo ikan­dado ang front door ninyo, siguruhing wa­lang nakasaksak na appliances na maaaring pagmulan ng apoy. Ga­yundin, siguruhing ang appliances na umiinit ay hindi didikit sa mga materyal na madaling masunog.

Napakarami nating tradisyong sinusunod tuwing sasapit ang Pas­ko. Sana, gawin din nating parte ng mga tradisyong ito ang pag-iingat sa ating mga sarili at sa ating tahanan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page