PA-BIRTHDAY GIFT KAY PACMAN ANG PANALO NG GENSAN SA MPBL

MAGANDANG pa-birthday gift ng host team General Santos City sa kanilang eight-division world boxing champion at MPBL founder Manny Pacquiao ang pagkasungkit ng koponan sa home victory noong Sabado ng gabi nang gapiin ng Warriors ang Navotas Clutch, 80-73, upang palakasin ang kanilang tsansa sa playoffs sa Datu Cup sa Lagao Gymnasium sa General Santos City.
Kumana si Leomar Losentes ng 11 sa kanyang 19 points sa fourth period habang tumabo si Delmar Mahinay ng 14 markers sa first half nang pumatas ang Warriors sa Parañaque Patriots sa sixth to seventh places na may parehong 8-9 win-loss record.
Napigilan ang Navotas sa two-game winning streak at nakalasap ng unang talo sa ilalim ni new head coach Gabby Severino. Hawak ngayon ng Clutch ang 7-10 card at nasa three-way tie para malagay sa sixth to eighth places kapatas ang Valenzuela at Mandaluyong.
Ang huling panalo ng General Santos ay umibayo sa 3-0, binigyan ng rason ang taga-Gensan na magdiwang at bukod sa pagdumog ng mga tao sa gym ay winelcome din nila ang laro ni celebrity baller Gerald Anderson sa team.
Lumaki sa Doña Soledad, isa sa bayan ng Tuna Capital ng bansa, hindi binigo ni Anderson sa unang pagkakataon ang kanyang mga kababayan at tumapos ng 9 puntos, 6 rebounds at may tres bago matapos ang laban at tulungan ang team sa 76-62 win kontra Mandaluyong El Tigre. Pumoste si Anderson at ang Shoemasters ng unang back-to-back victories sa pinakamabilis na lumagong regional amateur basketball league ni Senator Pacquiao kung saan si PBA legend Kenneth Duremdes ang nagsilbing commissioner.
Sa naturang panalo, pinag-ibayo ng Shoemasters ang win-loss record sa 6-10, upang umakyat sa 10th to 11th spots sa southern division kapatas ang Zamboanga.
Ang Marikina ay pinamumunuan ni JR Ng Sang, na pumoste ng double-double performance. Tumapos ng 17 points at 9 rebounds at nakadale pa ng three shots. Lumusot ang 15 puntos ni Ryan Costelo, si Ronald Roy ay may kontribusyon na 14 habang si Yves Sazon ay may 13 para sa Marikina. Hindi nakapuntos si ex-pro Jondan Salvador pero nakagawa ng rebound sa 15 boards.





Comments