P-Duterte, sapol sa sermon sa unang araw ng Simbang Gabi, hmmm...

DUMALO LANG SI P-DUTERTE SA BALANGIGA BELLS CELEBRATION PARA BASTUSIN ANG MGA OBISPO AT PARI?—Sa utos umano ni P-Duterte ay pinaalis ng Presidential Management Staff (PMS) sa Balangiga Plaza ang mga Obispo at paring dumalo sa Balangiga celebration dahil ang gusto lang daw makasalamuha ng pangulo sa turnover celebration ng Balangiga Bells sa Eastern Samar ay ang kababayan nitong si CBCP President at Davao City Archbishop Romulo Valles.
Kung ganu’n, nagtungo lang pala si P-Duterte sa turnover celebration ng Balangiga Bells para ipakita sa mundo na kaya niyang bastusin nang harapan ang mga Obispo at pari sa mismong selebrasyong may kaugnayan sa Catholic Church, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
P-DUTERTE, SAPOL SA UNANG ARAW NG SIMBANG GABI—Sa unang araw ng Simbang Gabi ito ang ilan sa tirada ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, “huwag kang bully, huwag mong gagamitin ang iyong kapangyahirang mambastos, mangmaliit at mangyurak ng kapwa.”
Bagama’t, walang pinangalanan, alam ng publikong si P-Duterte ang sapol sa tirada ni Archbishop Tagle sa unang araw ng Simbang Gabi ng mga Katoliko.
◘◘◘
ILULUSOT DIN LANG SA KASO ANG ANAK NI FAELDON, SR., HINDI PA GINALINGAN—Nang matimbog sa drug raid ang anak ni BuCor Director Nicanor Faeldon, Sr. na si Nicanor Faeldon, Jr. ay inamin nito sa pulisya na matagal na siyang nakatira sa bahay ng mga magulang ng nobya niyang si Zandra Mae Lanuzo, pero ang palusot niya ay hindi raw niya alam na ginagawa na raw pala itong drug den.
Aba, teka, bakit “visiting drug den” lang ang isinampang kaso laban sa anak ni Faeldon, Sr., eh, mismong si Faeldon, Jr. na ang umamin na sa sinalakay na drug den ay d’yan siya nakatira?
Hay naku, gagawa rin lang ng palusot ang Duterte gov’t. para mailusot sa kaso ang anak ni Faeldon, Sr., eh, hindi pa nila ginalingan, boom!
◘◘◘
ANAK NI FAELDON, SR., MAY DUE PROCESS, PERO ANG MGA WALANG KONEK SA MALACAÑANG, PATAY AGAD—Matapos madakip ay isinailalim sa drug test ang anak ni Faeldon, Sr.
Iba talaga kapag ang nahuli sa drug raid ay may kapamilyang malakas kay P-Duterte kasi idinaraan sila sa tamang proseso.
Tingnan n’yo ang nangyari kay Kian Lloyd delos Santos at sa iba pang maralitang biktima ng EJK (extrajudicial killings), hindi pa napatutunayan kung adik o pusher sila, pero dahil wala silang konek sa Malacañang, patay agad, hu-hu-hu!





Comments