NON-STOP ZUMBA AT BADMINTON DINUMOG SA SPORTS FOR FREE

TATLONG mahalagang katangian para magtagumpay sa zumba competition. Ito ay ang coordination, power at stamina.
Ang tatlong katangian ay taglay nina Crisanta Bernardo, Edgar Mabanta, Ramon Musni at Janica Allana Zapico na nagwagi sa kanilang age divisions at nanalo ng tig- P5,000 plus giveaways mula sa Philippine Sports Commission sa pagtatapos ng 2018 Learn and Play Sports for Free na ginawa sa Rizal Park.
Namayani sina Bernardo, Mabanta, Musni, at Zapico sa two-hour, non-stop zumba competition bilang culmination sa taunang sports activities kung saan nakapagbigay ang PSC ng 1,200 bola sa basketball, football, at volleyball bukod sa t-shirts, socks, at cap sa 40 Sundays activities mula nang inumpisahan ang 2018 edition noong nakaraang Abril sa Rizal Park sa pakikipagtulungan ng National Parks Development Committee at Department of Tourism.
Nanalo sina Bernardo at Mabanta sa 41-60 years old at nangibabaw sina Musni at Zapico sa 18-40 years old. Pumangalawa si Merly Reyes at pumangatlo si Celia Pena sa 41-60 years old para sa cash prize na P3,000 at P2,000 sa female category, ibinulsa nina Jaime Cagado ang P3,000 habang kinuha ni Edmon Pacis ang P2,000 sa male division.
Sa badminton, nagwagi si Dato Kiram sa 12-14 years old boys; nanalo si Michael Racelis sa 15-16; at namayani si Audrei Perdido sa 12-16 tinalo si silver medallist Dayang Kiram. Pumangatlo si Frances Pacis ng team San Juan.
Tatlong teams –Luneta, Quezon City at San Juan ang lumahok sa paligsahan na pinamahalaan nina Dolly Llanto, Norberto Dinglasan at Rachel Ribo-Dumuk.
Pitong sports ang arnis, badminton, chess, football, karatedo, lawn tennis at volleyball ang nilaro sa Learn and Play Sports for Free na pinatupad sa pamamagitan ng Executive Order na pinangasiwaan ng PSC.





Comments