Naipit sa kiddie motorcycle | 5 YRS. OLD NADALE SA MALL
ISANG 5-taong gulang na lalaki ang sugatan nang maipit ang daliri sa rechargeable kiddie motorcycle kamakalawa sa Pasay City.
Ginagamot sa San Juan de Dios Hospital si ‘Gil’, ng Navotas City, sanhi ng sugat sa daliri.
Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang insidente sa Kiddie Wheels sa SM by the Bay sa Mall of Asia (MOA).
Ayon sa ama ng bata na si Gilber Valle, government employee, sakay ang kanyang anak sa rechargeable kiddie motorcycle sa lugar nang biglang maipit ang daliri nito na sanhi ng tinamong sugat. Agad namang dinala ang bata sa pagamutan.
Inaalam pa ng pulisya kung may pananagutan ang Kiddie Wheels sa insidente.





Comments