top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mapayapang Simbang Gabi para sa ligtas na kapaskuhan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2018
1 min read

"GENERALLY peaceful”. Ganito umano maisasalara­wan ang unang araw ng Simbang Gabi.

Sa assessment ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) batay na rin sa ulat ng iba’t ibang police districts, walang naitalang ‘untoward incidents’ sa mga lugar sa Ka­lakhang Maynila.

Kasabay ng pagtitiyak na patuloy ang mga awtoridad sa pagbabantay hindi lamang sa mga Simbahan kundi maging sa mga kalye upang matiyak na ligtas ang mga dadalo sa Simbang Gabi.

Kahit walang namo-monitor na banta sa seguridad, hinikayat pa rin ang publiko na maging mapagmatyag.

Habang nasa heightened alert status ang kapulisan kaugnay ng Ligtas Paskuhan 2018, dapat din tayong makiisa.

Kaugnay sa ulat na mapayapa ang unang araw ng Simbang Gabi, umaasa tayo na magtutuluy-tuloy ito hanggang sa ikasiyam at si­yem­pre, hanggang sa mga susunod pang araw.

Nawa ay maipakita natin na kaya nating maging disiplinado sa la­hat ng oras, pagkakataon at lugar.

Hindi lamang ito para sa pagdiriwang ng kapaskuhan kundi para sa kaligtasan ng bawat isa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page