Lalaki kinatay ng katrabaho
ISANG mister ang pinagsasaksak ng kanyang katrabaho matapos magtalo sa kalagitnaan ng kanilang inuman sa Bgy. Bacong Ilaya, Gen. Luna, Quezon.
Pasado alas-7:00 ng gabi, magkasama pang nag-iinuman ang biktimang si Oscar Fortaleza, 53, ng Catanauan, Quezon at suspek na si Richtito Orfila, ng Buenavista, Quezon.
Lumabas pa ang dalawa upang bumili ng sigarilyo at alak sa tindahan.
Makalipas ang ilang saglit, nagtalo ang dalawa sa hindi pa malamang dahilan.
Bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima saka tumakas.





Comments