Kung maaari pang i-claim ang funeral benefits ng miyembro ng GSIS kahit isang taon nang nakalipas
- BULGAR

- Dec 17, 2018
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Namatay ang tiyuhin ko na noon ay aktibong miyembro ng GSIS, isang taon na ang nakalilipas. Maaari pa bang i-claim ng kanyang mga kapamilya ang funeral benefits ng aking tiyuhin sa GSIS kahit isang taon na ang nakalipas? — Ave
Dear Ave,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 28 ng Republic Act No. 8291 o mas kilala bilang “The Government Service Insurance System Act of 1997” kung saan nakasaad na;
“SECTION 28. Prescription. — Claims for benefits under this Act except for life and retirement shall prescribe after four (4) years from the date of contingency.” [Sinalungguhitan para bigyang-diin.]
Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang pag-claim ng funeral benefits sa ilalim ng GSIS ay maaaring gawin sa loob ng apat (4) na taon mula nang mamatay ang miyembro.
Kaugnay nito, dahil isang (1) taon pa lang ang nakalilipas mula nang mamatay ang inyong tiyuhin, maaaring i-claim ng kanyang kapamilya ang kanyang funeral benefits.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments