top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

GM’S ANTONIO AT GOMEZ, BEST PLACED SA ASIAN CONTINENTAL CHESS

Eddie M. Paez, Jr
Dec 17, 2018
2 min read

UMIGTING ang bak­ba­kan para sa korona ng open division nang angkinin ng walong woodpushers ang liderato samantalang unti-unti nang umaalagwa ang isang kinatawan ng India sa women’s bracket pagkata­pos ng ikaanim na bahagi ng ginaganap na 2018 Asian Continental Chess Cham­pionships sa Tiara Hotel ng Makati.

Pare-parehong may na­ipong 4.5 puntos sina GM Surya Shekhar Ganguly (India), GM Yi Wei (China), GM S.P. Sethuraman (In­dia), GM Nodirbek Abdu­sat­torov (Uzbekistan), GM Son Truong Ngo Nguyen (Vietnam), GM Mohammad Amin Tabatabaei (Iran), GM Hao Wang (China) at GM Santosh Gujrathi Vidit (India) para magsosyo sa trangko.

Nakabuntot sa leadpack ang dalawang Intsik, isang Vietnamese at isang Iranian dala ang apat na puntos at sa ngayon ay may pag-asa pa sa FIDE World Cup berth.

Ang best-placed Pinoy chessers sa kasalukuyan ay sina GM Rogelio Antonio Jr., GM John Paul Gomez, IM Ricardo De Guzman at FIDE Master Joseph Mari Turqueza dahil sa matamlay na naisubing tatlong puntos lang.

Samantala, si IM Pad­mini Rout, pangwalo sa seedlings (FIDE rating: 2345), ay may naipong 5.5 puntos matapos talunin si 10th ranked Woman Grand­master Quianyung Gong ng China.

Sa pagpasok sa hu­ling tatlong rounds, ito ay ma­alwan nang bentahe kontra sa pumapangalawang Chi­nese bet at pre-tour­nament favorite na si Woman In­ternational Master Jiner Zhu na may rekord na 4.5 puntos.

Nakuha ng Pinay na si WIM Jan Jodilyn Fronda, ranked 24th at may rating na 2139, ang isang buong pun­tos mula kay Woman FIDE Master Aashna Makhija ng India upang mapanatili ang kanyang tsansa sa podium ng women’s division.

Ang kanyang naipong 3.5 puntos sa kabuuan mula sa tatlong mga panalo, isang tabla at dalawang talo ay sapat na para makasosyo niya ang anim na iba pang lady chessers para sa pag-upo sa pang labing-isang pu­westo.

Sila ay kalahating puntos lang ang layo sa pangatlong pulutong na may apat na puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page