top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

4 kulong sa sugal at drugs

  • Maeng Santos
  • Dec 17, 2018
  • 1 min read

APAT kabilang ang dalawang babae at tricycle driver ang dinakip dahil sa sugal at shabu sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct-1 Commander PCI Bernabe Adora Irinco, Jr., ang mga naarestong suspek na sina Carmen Otero, 43, biyuda; Menchie Esnane, 38; Rogelio Arias, 49, at Mark Anthony Fulo, 24, tricycle driver, pawang mga residente ng BMBA Compound.

Alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng beat-patrol ang mga tauhan ng PCP-1 sa Bgy. 118 nang maaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng baraha sa isang bakanteng lote na naging dahilan para arestuhin ang mga ito.

Narekober ng mga pulis sa lugar ang gambling paraphernalias habang nang utusan ang mga suspek na ipakita ang laman ng kanilang mga bulsa, nakumpiska kina Otero, Esnane at Arias ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page