top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

2018 PHILRACOM JUVENILE CHAMPIONSHIPS SA DIS. 31

Green Lantern
Dec 17, 2018
1 min read

RENDA at LATIGO

MAGAGANAP ang huling pakarera ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang 2018 Philra­com Juvenile Championship sa Disyembre 31 na paglalabanan ng 2-year old na mananakbo sa Naic, Cavite.

Inaasahan na 13 mananakbo ang lalahok sa nasa­bing karera na nagpakita na mahusay na record na kinabibilangan ng apat na lalaki at siyam na babae. May nakalaang papremyo na P2.5-M na hahatiin sa unang apat na makatatawid sa finish line.

Tatanggap ng P1.5 M at trophy ang mananalo sa laban at pagkakalooban ng P562,500 ang 2nd placer habang mag-uuwi ng P312,500, ang 3rd.placer at P125,000 sa 4th placer.

Tatawirin ang distansiyang 1,600 meters ng mga kalahok na Easy Landing, Forest Cover, Full of Grace Gatighan Island, Lady Mischief, Mood Swing, Mona’s Mark, May Jopay, Obra Maestra, Oktubre Katorse, Royal Bell, Serafina at Toy for the Big Boy.

Sinabi ng Philracom ang tatanggap naman ng halagang P75,000 ang breeder ng kabayong tatanghaling kampeon.

Samantala, ayon sa Philracom may nakatakdang pakarera sa darating na Linggo sa Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar,Batangas.

Ito ay ang 5 Leg Local 4 Year Old and Above Stakes Race na paglalabanan ng anim na kalahok na Boxmeer, Cerveza Rosas, Song of Songs, Lakan, Pinagtipunan at Silhouette na tatawirin ang distansiyang 1,800 meters.

Tatanggap ng P300,000 ang tatanghaling kampeon at mag-uuwi ang 2nd placer ng P112,500 na mapupunta sa 3rd placer ang P62,500 at P25,000 para sa tatanghaling pang-apat na tatawid sa finish line.

Pagkakalooban ng P15,000 ang breeder ng mananalong kabayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page