top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tulak, huli sa P11 milyong shabu

  • Janice Baricuatro
  • Dec 16, 2018
  • 1 min read

MAHIGIT sa 2-kilo ng shabu na aabot sa halagang 11 milyong piso ang nakumpiska sa isang bigtime tulak matapos ang buy-bust operation na isinagawa ng Gen. Trias Police sa pangunguna ni Police Supt. Paul Bometivo sa Bgy. Pasong Camachile 2.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Sariff Macmod Kaurak, 42, tubong Maguindanao, residente ng Pasong Buwaya, Imus City.

Isang pulis ang tumayong buyer at nakipagtransaksiyon sa suspek sa halagang P200,000 shabu.

Nang magpositibo, dinakma ang nasabing suspek at nakuha rito ang isang malaking plastic na may lamang shabu at 16 na piraso ng maliliit na plastic sachets na naglalaman ng shabu at tumimbang ng may 2-kilo at nagkakahalagang 11 milyong piso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page