top of page
Pokwang.jpg

Senior citizen, dinedma at pinahirapan | Priority lane ng Korean Air, wa’ ‘wenta!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2018
2 min read

NALALAPIT na ang Pasko kaya ti­yak na may ilan sa atin ang mama­masyal sa ibang lugar o ibang bansa.

Kaya lang, paano kung ang masaya sanang bakasyon, eh, nasira na hindi pa man nagsisimula?

Kahapon, mismong ang inyong ling­kod at ang aking pamilya ang nakaranas ng hindi maayos na paki­kitungo ng tauhan ng Ko­rean Air.

Pasado alas-9:00 ng umaga nang dumating kami kasama ang aking pa­milya sa Ninoy Aquino International Air­port. Kasama ko ang tatay kong senior citizen na may sakit at mga bata kung saan kabilang kami sa Flight ke 622 Mnl to Incheon.

Kaagad kaming pinapila sa priority lane dahil may kasama nga kaming naka-wheelchair at mga bata. Gayun­man, lumipas ang tatlo hanggang apat na oras ay hindi pa rin kami naka­kaalis at na­unahan pa ng ibang nasa economy class na hindi nakapila sa priority lane.

Nakapagtataka, hindi ba? Kaya nga kami pinapila sa priority lane para mauna, pero bakit kami pa ang nahuli? Tsk!

Samantala, nang magreklamo kami hinggil dito, saka lang kami inasi­kaso ng Korean Air supervi­sor na si Jonathan Linao Carlo.

Bagama’t tumugon naman siya sa aming reklamo, napaka-incompetent nito sa pagsagot sa mga pas­sengers na tulad namin.

Hindi natin sinasabi na “customer is always right”, pero dahil obvious naman na siya ang may pag­kukulang, matuto naman sana siyang humingi ng maayos at sin­cere na pau­man­hin at magpa­kum­baba.

Dahil sa nangyari, gusto naming kalam­pagin ang mga naka­tataas sa nasabing airline na imbestiga­han at bigyan ito ng ma­bilis na aksiyon nang sa gayun ay hindi na maulit pa sa ibang mga pasahero.

Palagi nating tatandaan na bukod sa nakasaad sa batas na dapat nating bigyan ng prayoridad ang persons with disabili­ties (PWDs), mga may ka­samang bata at mga buntis, karapatan din nilang ma­asikaso kahit saang establisimyento pa sila pumunta!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page