top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Rider pisak sa trak

Paul Lamsen
Dec 16, 2018
1 min read

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 22-anyos na lalaki makaraang sumalpok sa trak kamakalawa ng hapon sa Mangaldan, Pangasinan.

Nakilala ang biktimang nasawi na si Jonjon Soriano, 22, may asawa, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Nakilala naman ang drayber ng trak na si Roger, may asawa ng nabanggit ding lugar.

Ayon sa imbestigasyon, bandang hapon, papauwi na ang biktima galing sa inuman lulan ng kanyang motorsiklo.

Matulin umano ang pagpapatakbo nito sa motorsiklo na nag-overtake sa isang sasakyan kung saan hindi nito napansin ang kasalubong na trak kaya sumalpok ito.

Wasak ang bungo ng rider na sanhi ng agad nitong kamatayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page