Para maagapan pa ito bago lumala, mga ‘tol! DEVICE NA KERING MAKA-DETECT NG SAKIT SA PAG-IISIP, PATO
- BULGAR

- Dec 16, 2018
- 2 min read

SA panahon ngayon, hindi madaling malaman kung may iniinda bang mental health illness ang indibidwal. Ito ay dahil sa iba’t ibang paraan ng pagtatago nito tulad ng pagpapakita ng magandang mood at pagkilos nang normal na para bang wala silang pinagdaraanan. Pero, knows ba ninyo na may device nang naimbento na nakade-detect ng mental health illness?
Wow!
Isang grupo ng engineer sa United States ang nakadiskubre ng device na maaaring maka-detect ng problema sa mental health tulad ng depression at anxiety disorders. Ang device ay tinawag na SysteMD o System with Sensors to Evaluate Mental Disorder.
Mabibili ang device bilang set kabilang ang headset, wristband at ankle bracelet.
Ang mga inclusion na nabanggit ay nakatutulong upang ma-monitor ang heart rate, lebel ng pagpapawis, paghinga at diameter ng pupil ng gagamit.
Kailangan ding ikonekta sa program sa computer ang device upang maanalisa ng program ang records ng user.
Upang gamitin ito, kailangang isuot ng user ang headset, wristband at ankle bracelet. Kailangang naka-relaks ang user upang maayos na ma-track ng device ang kanyang stability. Pagkatapos nito, lalabas sa computer ang records at aanalisahin ito ng program.
Bagama’t, hindi pa nabibili sa merkado ang SysteMD, ipinasubok ito ng mga developer sa mga volunteer kung saan ayon sa mga developer, namangha ang mga volunteer dahil 94 na porsiyentong accurate ang lumabas sa pag-aanalisa.
Ayon sa mga nakadiskubre nito, ang device ay binuo nila nang sa gayun ay hindi mahirapan ang mga doktor na makita ang sintomas ng mental health disorder ng mga pasyente.
Ang SysteMD ay nakatakdang i-launch sa susunod na taon, ngunit, ang payo ng mga eksperto, kahit hindi madaling makita ang sintomas ng mental health illness sa bawat indibidwal, maglaan ng oras para makinig sa mga mahal natin sa buhay kahit ano pa ang maaari nilang ikuwento sa atin.
Kaya mga lodi dahil high-tech na masyado ang mundo, tiyak na magkakaroon na ng solusyon sa bawat problema ninyo.
Tandaan, stay mentally healthy. Okie?





Comments