top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PANGIL NG DAVAO TIGERS, ISINAKMAL SA BACOOR SA MPBL DATU CUP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2018
  • 1 min read

UMISTRAYK muli ang Davao Cocolife Tigers at ang pinakahuling biktima ay ang punong-abalang Bacoor Tigers, 69-50 sa eli­mination round ng Mahar­lika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Strike Gym, Bacoor City.

Nanatiling matikas mula simula hanggang dulo ang PBA veteran na si Mark Yee sa pagtala nito ng double-double performance ,17 puntos11 rebounds upang akayin ang Tigers sa ika-14 na panalo sa 17 laro.

Umayuda rin sa kopo­nan mula Mindanao ni Clau­dine Bautista ng Davao Occidental LGU na suportado nina Cocolife president Elmo Nobleza, FVP Joseph Ron­quillo at Rowena Asnan ang balik-aksiyon na si Bonbon Custodio na mula pa sa back injury, Billy Robles na naka­rekober sa tendonitis at bench players nito upang lumawig pa sa 12 ang winning streak ng Tigers at manatiling nasa ituktok ng liderato sa south division ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.

Sinikap ng Strikers na sina Chad Alonzo, Gab Banal at Randy Acidre na nais magpasiklab sa bagong layang Senador na si Bong Revilla na personal na sinaksihan ang Bacoor team upang makahabol sa ikatlong yugto subalit walang epekto sa bangis ang depensa ng dayuhang katunggali. “Defense won the name for us,” wika ni Davao Cocolife team manager Ray Alao.

Pinuri ni Tigers coach Don Dulay ang steady stance ng kanyang starters at ang pag-deliver ng quallity minutes ng kanyang homegrown at bench players tu­ngo sa pagposte ng pinaka­mahabang 12 winning streak sa liga. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page