Ngayong laya na, ex-P-Noy… BONG, RERESBAK NA SA MGA NAGPAKULONG SA KANYA
- BULGAR

- Dec 16, 2018
- 1 min read

SA paglaya ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. after found “not guilty” ng Sandiganbayan sa kasong plunder kamakailan lang, inisa-isa niya ang mga nakaplano niyang gawin gaya ng pagbabalik-Senado.
Unang-una’y ang paglilinis niya ng kanyang pangalan na kahit papaano’y nabahiran ng “mantsa” dahil sa kontrobersiyang dulot ng PDAF scam.
Bagama’t nakapiit sa PNP Custodial Center, ang kanyang asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado ang nag-facilitate ng kanyang pagpa-file ng COC para makasali sa pagtakbo as senator.
Kung papalaring manalo ulit, babalikan daw niya ang mga tao who falsely accused him with the “pork barrel scam”.
“‘Yung legislative agenda, meron, para ru’n sa mga false accusers. Dapat, may counter tayo diyan dahil hindi tama ‘yung nangyayari,” sabi ni Bong in a press conference with Atty. Estelito Mendoza.
“Kumbaga, they really want to hang me. Hanggang ngayon, gumagalaw sila. Kung may pamilya kayo, maniwala kayo sa karma, babalik din ‘yan sa inyo.”
Pagkatapos niyang ma-acquit sa kanyang plunder case, may mga balitang ipinasosoli ng Sandiganbayan kay Revilla ang P124.5 million, pero idinenay ito ng Revilla camp.
Katwiran ng dating senador, “Ano ang isosoli ko, wala naman akong ninakaw sa bayan?”
Sa nasabi ring panayam, nabanggit ni Bong ang posibleng pagka-comeback niya sa showbiz dahil ito raw ang kanyang naging “bread and butter”.





Comments