Naglalaro sa computer shop niratrat, utas
Levi Gonzales
Dec 16, 2018
1 min read
PATULOY ang pagtugis sa mga suspek na nakabaril at nakapatay sa isang lalaking naglalaro sa loob ng computer shop sa Relocation Site, Bgy. Balete, Batangas City.
Sa inisyal na ulat, alas-11:50 ng umaga habang nasa loob ng computer shop ang biktimang si Rolando Delgado, 36, walang trabaho at abala sa paglalaro nang lapitan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki.
Agad siyang kinaladkad palabas hanggang sa pagbabarilin.





Comments