Mini skirt at walang collar, bawal sa korte

HINDI na maaaring tumuntong sa lahat ng korte sa buong bansa kung ikaw ay nakasuot lamang ng mini-skirt, t-shirt o pang-itaas na walang kuwelyo at ganundin ang paggamit ng cellphone.
Ipinagbawal na ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa kanyang kautusan ang pagpatupad ng dress code sa lahat ng Regional Trial Court, Court of Tax Appeals at Court of Appeals.
Ikinatwiran ni Bersamin na nais niyang ibalik ang respeto at magandang imahe sa sangay ng Hudikatura.
“It’s high time we went back to that image of the Judiciary that is very respected, the Judiciary that is conscious of its place in society,” ayon sa Punong Mahistrado.
Naniniwala ang Chief Justice na anumang kilos ng mga empleyado sa korte, maliit man o malaki ay may epekto sa uri ng serbisyong ibinibigay sa publiko.
Bukod sa dress code, ipagbabawal din ang paggamit ng cellular phone sa gusali ng Hudikatura, partikular ang pagpi-Facebook.
Si Bersamin ay nakatakdang magretiro sa October 18, 2019.





Comments