Kaya make sure na ginagawa n'yo pa rin ito hanggang ngayon... MGA PANINIWALA UPANG SUWERTIHIN SA
- Donna Thea Topacio
- Dec 16, 2018
- 2 min read

ISA ka ba sa mga naniniwala sa mga pamahiin tuwing Pasko? Apir tayo riyan, lodi! Pero, para sa mga millennial na hindi na naabutan at nalaman ang mga ito dahil busy na sa kadudutdot ng cellphone riyan, read n’yo ‘to, dali, dahil narito ang ilan sa mga pamahiin na pinaniniwalaang dapat gawin tuwing Pasko:
1. ITLOG, BARYA AT BIGAS. Knows pa ba ninyo na ayon sa mga matatanda, maganda raw kung maglalagay tayo ng bigas, barya at itlog sa bowl kung saan iluluto natin ang itlog at bigas kapag sumapit na ang Pasko, habang ang barya naman ay itatabi natin nang sa gayun ay magkaroon tayo ng buhay na masagana at masaya? Wow!
2. SIMBANG GABI. ‘Ika ng iba, kapag nakumpleto mo umano ang Simbang Gabi ay matutupad ang mga kahilingan mo, kaya nga siguro maraming kabataan ang gustong buuin ito, pero huwag natin kalilimutan na ang pagsisimba ay hindi lang para pakinggan ng Diyos ang ating mga kahilingan, bagkus, ito ang nararapat nating gawin na paghahanda sa araw ng Kanyang pagsilang.
3. KULAY NG DAMIT. Ang kulay ng damit ay hindi lamang trip-trip, ito raw ay magsisilbing kulay na makapagpapasuwerte sa inyong pamilya. Kaya, ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa, alamin n’yo na kung ano ang masusuwerteng kulay ng damit na dapat ninyong suotin ngayong Pasko. Hindi naman kailangang bonggahan, basta kakulay, oks na ‘yan, besh!
4. PAGLALAGAY NG MEDYAS. Kung noon ay ginagawa pa ito, ngayon ay tila hindi na naniniwala ang ilang Pinoy dahil madalas daw, eh, candy lang ang nakukuha nila mula rito dahil imbes na si Santa Claus ang maglagay ng regalo, eh, sina nanay at tatay lang pala. Hi-hi-hi!
5. MONITO-MONITA. Easy, exchange gift lang din ‘yan, mga besh! Masyado bang luma? Eh, kasi naman sa panahon ngayon marami na ang hindi nakikisali sa monito-monita dahil mas gusto nila na bumili ng sariling regalong gusto nila dahil palaging nabibigo sa natatanggap tuwing Pasko. He-he-he! Pero, palagi ninyong tatandaan, mas masaya pa ring buksan ang regalo kapag hindi ikaw ang bumili at nagbalot nito.
Kaya bago sumapit ang Pasko, gawin n’yo na ang mga ito. ‘Ika nga, wala namang mawawala kung susubukan lalo na at ito naman ang dati nating nakasanayan.
Bitawan n’yo muna ‘yang mga cellphone n’yo kahit ngayong Pasko lang, mga lodi at ituon ang atensiyon sa mga mahal natin sa buhay. Sugurin n’yo na rin sina ninong at ninang na dinaig pa ng multo sa pagpaparamdam. Joke! Ha-ha-ha!
Copy?





Comments