top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Faeldon, Jr., negatibo sa droga, hindi na siya mapapatay ng tatay niya!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2018
1 min read

NALAGAS ang 6 na tulak at holdaper sa Laguna.

Hala-bira!

◘◘◘

NAGPIYESTA ang mga taga-Balangiga.

Inaalala nila ang malagim na dig­maan!

◘◘◘

NEGATIBO sa droga si Nicanor Faeldon, Jr.

Hindi na siya mapapatay ng kanyang tatay!

◘◘◘

PUMAPALAG ang mga katutubo mula norte hanggang timog.

Biktima sila ng karahasan!

◘◘◘

TAGUMPAY ang biyahe ng China sa moon.

Sinakop na rin nila ang buwan!

◘◘◘

NAKARATING nang maayos ang spaceship ng U.S. sa Mars.

Puwede na silang magtago roon pag-umatake ang Iran!

◘◘◘

ISINUSULONG ang solar panel pamalit sa kuryente mula sa Meralco.

Mas okay ang libre kaysa sa buwan-buwang tumataas ang singil sa kuryente!

◘◘◘

PINAYAGAN nang mag-abroad si Sen. Antonio Trillanes IV.

Maaaring inaasikaso na niya kung saan siya hihingi ng asylum!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page