top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dapat gawin para hindi lumala ang pananakit ng balakang

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2018
2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 41 years old at may 4 na anak. Problema ko ang pananakit ng aking balakang gayundin, inii­sip ko na baka may UTI ako kaya nagpa-urinalysis ako pero, wala namang prob­lema. Nais kong ma­laman kung ano ang mga dahilan at dapat kong gawin para rito? — Elvira

Sagot

Tulad ng iba pang pangmatagalang pananakit o chronic pain, ang pananakit ng balakang ay mas madalas maranasan ng kababaihan kaysa sa kalalakihan.

Narito ang ilan sa pangunahing dahilan ng pananakit ng balakang:

  • Arthritis — parti­kular na ang osteoarthritis. Ito ay dulot ng wear and tear o resulta ng pag­tanda ng tao. Ang ball at socket sa kasukasuan ay nag­sisimula nang masira dahil sa pagtanda. Ang sa­kit na dala ng arthritis ay kadalasang nararam­daman sa balakang dahil sa panini­gas o pama­maga ng kasuka­suan.

  • Pinsala sa balakang — ang fracture o pinsala sa balakang ay mas madalas sa mga matatanda, lalo na sa mga taong may osteoporosis o ang unti-unting pag­nipis ng mga materyal sa mga buto.

  • Tendinitis o bursitis — ang mga kalamnan ay ikinokonekta ng tendons sa kasukasuan. Ang tendons ay madaling mamaga kapag nasobrahan ng gamit, lalo na kung gumawa ng nakapa­pagod na aktibidad. Ang isa sa pangunahing sanhi ng tendinitis, lalo na sa mga atleta ay ang iliotibial band syndrome – ang iliotibial band ay makapal na tissue na papuntang tuhod.

  • Hernia o luslos — ma­a­ari itong tumubo sa bandang tagiliran ng bala­kang. Ito ay tinatawag na femoral o inguinal hernia, isang klase ng luslos na sanhi ng pagka­karoon ng karag­dagan pressure sa tiyan. Ang luslos na ito ay mas madalas sa mga buntis. Ito ay maaari ring magdulot ng matinding pananakit sa balakang.

  • Endometriosis— san­hi ito ng maling pag-develop ng lining ng matris. Ang sakit ay maaaring maramda­man mula sa likod hanggang sa mga binti.

Gamot sa pananakit ng balakang:

Ang lunas sa pananakit ng balakang ay depende sa makikitang sanhi ng naturang pananakit.

  • Heat treatment, pahinga at over-the-counter na mga gamot para sa pamamaga.

  • Mag-stretching muna bago mag-ehersisyo.

  • Magsuot ng tamang damit.

  • Gumamit ng maayos na sapatos, lalo na kung tatakbo.

  • Panatilihing malusog ang pamumuhay.

  • Iwasang manigarilyo.

  • Ugaliing uminom ng maraming tubig.

  • Siguruhing mayroong sapat na pahinga.

Gayunman, pinapa­yuhan pa rin kayong mag­pakonsulta sa doktor para mabigyan kayo ng mga ka­rag­dagang impor­masyon tungkol sa inyong karamda­man.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page