8 kulong sa sugal at shabu
WALO katao kabilang ang 17-anyos na construction worker ang arestado sa cara y cruz at shabu sa Caloocan City.
Ayon kay PCP-2 Commander PCI Merben Bryan Lago, alas-2:00 ng madaling-araw nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa grupo na naglalaro ng cara y cruz sa kahabaan ng Pangayngay St., Bgy. 12.
Nang mapansin ng mga nagsusugal ang pagdating ng mga pulis, mabilis na nagpulasan ang mga ito subalit, nagawang maaresto sina Julito Nario, 46; Romino Montoya, 39; Rogelio Santiago, 46, at Michael Guillermo, 33.
Narekober ng mga pulis sa lugar ang mga gambling paraphernalia habang nakuha naman ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu kina Guillermo, Montoya at Nario.
Nauna rito, alas-11:10 naman ng gabi nang masakote sina Rhens Amendra, 21; Edgar Bagual, 18; Leonel Mayono, 18, at ang 17-anyos na contruction worker dahil sa paglalaro rin ng cara y cruz sa kahabaan ng Daang Bakal St., Bgy. 59.
Nakumpiska ng mga pulis ang mga gambling paraphernalia habang narekober naman kina Almendra, Mayono at sa binatilyo ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu.





Comments