2 tulak todas sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Dec 16, 2018
- 1 min read
MISAMIS ORIENTAL—Dalawang drug pushers ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Patrocinio, Claveria sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Curly Salcedo at Robert Pagtalunan, kapwa nakatira sa Cagayan de Oro City.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation ang dalawang suspek, pero bigla nilang pinagbabaril ang pulisya.
Agad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang dalawang suspek.





Comments