Rollback sa gas
Gina Pleñago
Dec 15, 2018
1 min read

MAY posibilidad na muling bumaba ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa pagtaya ng kumpanyang Jetti Petroleum, maaaring nasa pagitan ng 30 hanggang 35 sentimos ang mababawas sa kada litro ng diesel.
Habang 20 hanggang 25 sentimos kada litro naman ang posibleng mabawas sa halaga ng gasolina.
Gayunman, maaari pang magbago ang nasabing estimated na halaga depende sa magiging resulta ng trading.





Comments