top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagpapabalik ng “imported trash” sa South Korea, maagang pamasko sa madla

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2018
2 min read

ANONG mangyayari kung hindi natin ma­ba­bawasan at mata­tang­gal ang basura? Ma­aari bang sumobra ang basura at kulangin ang mga lugar na pag­tatapunan nito?

Tila wala nang ma­pagtapunan ng basura kaya nagpasya ang mayayamang bansa na maghanap ng mahi­hirap na bansa na papa­yag at magpa­pabayad para tangga­pin ang kanilang mga basura.

Tulad ng ginawa ng Japan, Canada at South Korea na nag­tambak ng kanilang basura sa ating bansa. Mabuti na lang at mayroong kinonsensi­yang mga kawani ng Bureau of Customs kaya nabunyag ang pag­pasok ng tone-tonela­dang basura mula sa South Korea. Paulit-ulit na lang ang prob­lema ng basurang galing sa ibang bansa — “imported, stateside trash.”

Sa mababang antas ng Barangay Pinya­han, nagsimula na ang kam­panyang magka­sa­mang harapin ng ba­rangay at Simbahan ang problema ng ba­sura. Sa Barangay Pinyahan, Quezon City hindi “harap mo, linis mo” ang ating motto kundi “harap mo, linis ko, tulong at makiisa na sa sama-samang pag­ha­rap at pakikipagtu­lungan sa problema ng basura."

Salamat sa Eco­Waste Coalition, kali­pu­nan ng iba’t ibang Luntiang Samahan, nababantayan at natu­tugunan ang problema ng basura lokal man o imported.

Ito ang dahilan ng ating munting pagkilos noong nakaraang Hu­webes sa South Korean Embassy sa McKinley. Nagsagawa ang mun­ting grupo ng kakaibang pamamasko o pag-awit ng mga Christmas carol. Ito ang ilang mga Christmas carol na kinanta ng gru­po sa harap ng South Korean Embassy.

“O magsaya at magdiwang, pagkat ibabalik na basura ng Korea

basura ng Korea at ating bantayan at ating bantayan

at para hindi tayo malinlang

Pasko na naman o kay tulin ng araw

Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang

Ngayon ay Pasko dapat pasalamatan

tayo ay mag-awitan

(Koro)

Pasko! Pasko! Pasko na namang muli.

Basura ng Korea kailan ibabalik?

Pasko na namang muli.

Ang basura ay isoli (now na!)”

Sana, huwag nang patagalin ng South Korea ang isyu ng kani­lang basura tulad ng Canada. Napakagan­dang regalo ng South Korea sa ating bansa ang mabilis na pagpa­pabalik ng kanilang basura sa pinanggali­ngan nito. Sana, mag­karoon ng mabilis na imbestigasyon para sa grupo at korporasyong sangkot sa pag-angkat ng basurang galing South Korea.

Hindi lang ang lupa, tubig at hangin ang nalalason ng basura. Madaling maging ba­sura ang mga tao, lalo na ang mga kawani ng pamahalaan. Salamat sa EcoWaste Coalition sa inyong adbokasiya. Gayundin, mga tapat at mapagmalasakit na mga empleyado ng BOC dahil malaki ang pag-asa nating magka­roon ng malinis at luntiang kinabukasan at kasalukuyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page