Murang pagpapagamot para sa mga Pilipino, malapit nang umarangkada!

MALIGAYANG Pasko sa ating lahat!
Pero, mas magiging merry ang Christmas kung mapipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang UHC para maging ganap nang batas ito.
Para sa atin, ito ang pinakamagandang aginaldo na puwedeng matanggap ng mga Pilipino ngayong Pasko.
Noong nakaraang Lunes, December 10, niratipikahan ang Bicameral Conference Committee report na consolidation ng Senate Bill No. 1896.
Sa UHC, karapatan na ang abot-kaya o murang pagpapagamot mula check-up at laboratory procedures hanggang sa pagpapaospital dahil gobyerno ang sasagot sa mas malaking bahagi ng gastos at lahat ng Pilipino ay entitled dito dahil automatic covered sila ng National Health Insurance Program.
Maging ang mga nakatira sa liblib na lugar o ang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas ay maaabot ng biyaya ng UHC.
Hindi naging madali ang ating pinagdaanan sa pagsusulong ng UHC.
Pero, dahil sa tiwala at panalangin ng ating mga kababayan, naitawid natin sa mga pagsubok ang UHC na magpapagaan sa pasanin ng bawat Pilipinong nagkakasakit. Pero siyempre, ayaw nating may nagkakasakit.
Una, salamat sa Poong Maykapal sa paggabay sa atin. Pangalawa, sa ating pamilya na patuloy na umuunawa.
Salamat sa mga kasamahan natin na nag-akda rin ng UHC na sina Senators Risa Hontiveros, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Leila de Lima, Cynthia Villar, Joel Villanueva, Manny Pacquiao at Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.
Thank you rin kina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Migs Zubiri at Minoirty Leader Franklin Drilon.
Gayundin, nais nating pasalamatan si DOH Secretary Francisco Duque, Usecs. Mario Villaverde at Lilibeth David, Dr. Beverly Ho at ang kanilang technical staff.
Kasama rin ang Social Watch, Action for Economic Reforms, Ayos na Gamot sa Abot-Kayang Presyo Coalition, Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) at Philippine Academy of Family Physicians.
Gayundin, ang mga barangay health worker, League of Provinces of the Philippines, Union of Local Authorities of the Philippines at LGU official at employee na tumulong sa ating committee hearings sa probinsiya at regional consultations.
Siyempre, maraming salamat kay P-Duterte dahil certified as urgent niya ang UHC.
Matapos makumpleto ang proseso sa Lehislatura, heto na ang UHC na magbibigay ng tunay na ginhawa ng bayan na ating ipinaglaban.





Comments