Mga sintomas ng tulo
- BULGAR

- Dec 15, 2018
- 1 min read
Dear Doc. Shane, Ako ay 41 years old at binata pa ngunit, ikakasal na ako sa GF ko. Ang problema ay nahawahan ako ng tulo ng babaeng nakasama ko noon sa bar. Natakot akong magpakonsulta sa doktor dahil nahihiya ako. Ano ang mangyayari kapag hindi ako nagpagamot, maaari ba itong mawala sa paglipas ng panahon? — Eric
Sagot Ang tulo ay impeksiyong madaling naipapasa, lalo na sa mga taong may maraming seksuwal na kapareha. Ang tulo o gonorrhea ay dala ng bakteryang neisseria gonorrhea. Ito ay napakabilis tumubo at magparami sa mucus membrane. Nabubuhay din ito sa bibig, lalamunan at puwit.
Narito ang mga sintomas ng tulo:
Nilalabasan ng puti o berdeng likido sa ari.
Masakit na puson at balakang.
Mahapding pag-ihi.
Nakararanas ng conjunctivitis o sore eyes.
Nagdurugo kahit walang regla.
Nagdurugo matapos makipagtalik.
Masakit at pamamaga ng ari.
Gayunman, pinapayuhang magpakonsulta sa doktor na maaaring magsagawa ng swab test.
Maaaring inspeksiyunin ang iyong ihi para sa bakteryang sanhi ng tulo.
Hindi tulad ng HIV, ang tulo ay nagagamot kaya huwag mag-atubiling magpatingin sa doktor
Ano ang gamot sa tulo?
Maaaring magbigay ng antiobiotic ang iyong doktor — ito ay maaaring inumin o iturok depende sa pangangailangan.
Napakahalagang tapusin ang gamutan kahit pakiramdam mo ay mabuti na ang iyong lagay.
Huwag uminon ng gamot na inireseta ng hindi doktor para gamutin ang iyong sakit — ang paggawa nito ay sadyang magpapahirap at magpapalala lamang ng sitwasyon.
Huwag ding makipagtalik hangga’t hindi pa tapos ang gamutan — maaaring makahawa at makasakit sa iyong minamahal.
Huwag makipagtalik ng hindi protektado at ugaliing gumamit ng condom kapag nakikipagtalik.





Comments